ForumTitleContentMemberSexCountryDate/Time
PhilippinesAll pregnant Mommies
Hi mga mommies, worried ako sa baby ko now he is suffering from stomach cramps and painful gas. Nag try na kami nung medicine na prescribed ng pedia pero di masyado effective kaya subukan namin yung gripe water naman. Naaawa ako everytime na me cramps sya kasi bigla nalang iiyak in the middle of his sleep tapos he always stretch and grunts at tinataas pa ang mga legs nya. Pag nag fart p sya eh laging me kasamang konting poop. Minsan gusto ko tuloy mag switch nalang sa formula kasi ang dami palang bawal kainin kapag brestfeeding like bawal ang onion, brocolli, cabbage, beans, apple, pasta, milk and other dairy products kasi yun daw ang nakakapag gassy kaya on diet ako ngayon.

Sheila - thanks sa advice oo nga mgaling k ng mag advice dati ikaw yung laging humihingi ng advice dito, laki talaga nagagawa ng pagiging mommy no. Worried kb n wala k png friends dito in 4 months? Ako nga eh 1 year na nung April 6 wala ding friends hehe. Ok lang yan, magkakaron din tayo ng friends sa katagalan. Ayaw narin sana ng husband ko na bumalik sa work nya kaya lang hirap parin maghanap ng local job kaya tiis tiis muna ng konti para me pambayad kami sa mga bills.

RR - sabi nila kpag daw mahilig kng kumain ng meat dun mabilis humaba ang kuko. Baby ko malambot p ang mga kuko nya kaya minsan pinupunit ko nlang using my fingers. About sa diaper changing, nahirapan din ako nung first 2 weeks nya kasi laging umiiyak everytime na palitan namin. Nalalamigan ata sa wipes buti nasanay din after 2 weeks pero ngayon ang ugali naman nya tinataas din ang mga legs nya na parang nanga2nak kaya i have to ask him pa to "cooperate with mommy or put your legs down" hehe kahit di naman maintindihan.

Eve - Cute naman ng pics nyo ni jacob, ganda ng tawa nya pati narin ang background.

Rose - maraming beses mo pang mararamdaman ang mga sipa ng baby mo, just enjoy it at kausapin mo rin sya lagi. Naririnig ka na nyan. Medyo nakakainip nga na mag hintay pero mabilis lang ang araw di mo mamalayan nag li labor kna. Goodluck!

Pink - We named our son after my husband's grandfather, its an old name. Sabi nga nung nurse sa pedia nya eh she never hear that name in 50 years. Walang meaning yan kasi hinanap ko sa baby names at walang name na ganyan. Yung middle name nya eh combination ng name naming mag asawa. Hay naiinip na nga ako na kahit makitang tumawa si letcher, kelan ba mangyayari yun? in 1 month? Minsan nagmamakaawa pa ko sa kanya na kausapin na ko lol. Nakikita ko syang nakangiti minsan kung tulog sya, yung bang sabi nila eh nakikipaglaro angel nya sa kanya. Warm water nga pinapaligo ko sa kanya, nanay ko naman pinapagalitan ako bat daw gabi ko sya pinapaliguan sabi ko me heater naman dito. Effective naman kapag pinapaliguan ko sya sa gabi kasi masarap tulog nya.

Brijo - thats a good news, I know you can't wait until the big day.

Siguro kailangan ng palitan ang title ng thread na to sa "All lucky mommies" hehe. Sana nga marami pang mag join dito na mga jontis.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-04-08 14:02:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
Happy Easter to all! Thanks sa mga advices nyo, medyo ok na ko ngayon pero nalulungkot parin lalo na kung naaalala ko yung day na umalis ang husband ko, di sya naiyak dahil umiiyak ako naiyak sya nung kinarga na nya baby namin to say goodbye. Hirap parin ako lalo na pagsapit ng gabi dahil 2 lang kami ng baby ko dito sa house.

Medyo nasanay nga ang baby namin ng karga kasi sinanay ng husband ko at yun nga din dahil nag bi breastfeed ako. Minsan nakakatulog nalang sa chest ko kung pinapa burp ko sya, tagal nya kasing mag burp minsan tapos kung ilapag ko na sya sa crib nagigising. Eto pa worry ko ngayon ma gassy sya, kahit tulog sya nag i stretch sya na me kasamang ungol then gas tapos yung gas nya me kasamang konting poop. Kapag umuungol sya nagigising din ako kasi halos every 2 minutes ganon sya. Hay kaya ang hirap talaga kapag mag isa dahil solo mo ang worries. Husband ko naman ang taga tawag sa pedia, ask ang concern ko pero worrier talaga ako. Nagpabili din ako ng night light sa husband ko kaya me dim light narin ako sa room. Dati di ako makatulog pag me konting ilaw ngayon nasanay narin ako. Baby ko pala nung ipinanganak ko dark blue yung eyes pero ngayon color dark gray na. Nakakatuwa nga husband ko kasi kinakausap nya baby namin, tinatanong kung me kilala daw syang blue eyes hehe. Sabi ko magbabago din yan, dahil parehas kaming walang lahing blue eyes. Yung buhok naman nya black din at kumakapal na sya compare nung bagong panganak sya.

Mga mommies ok lang ba na bigyan ng warm bath ang baby sa gabi? Ganun kasi ginagawa ko minsan para makatulog sya ng maayos sa gabi. Minsan sponge bath lang.

Pink ang landi naman ni zac tumawa, cant wait to hear my son's laugh too.

Rose congrats for a healthy baby girl, ang kapal na ng buhok nya ha. Baby ko nag uumpisa palang kumapal.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-04-04 19:21:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
Te Riza & rr - thanks for the advice. Wala kaming insurance. My mom calls me everyday to comfort me. Masasanay din siguro ako, ganito lang talaga ang new mommy.

Pink - ganun ba talaga katagal bago mabago ang sleeping pattern ng baby? Nung nandito husband ko ok lang na mapuyat ako kasi sa umaga sya na ang nagigising ng maaga para alagaan si baby basta meron lang akong na pump na breastmilk sa ref eh ngayon ako lahat. Konting adjustment lang talaga kailangan ko siguro at magiging ok na ko lalo na kapag makakausap ko na baby ko. Hay eto gabi na naman.

Buti pa kayo ang lalaki na ng mga baby nyo, baby ko di ko pa malaro kasi di pa maruong mag response kaya nakakainip.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-04-01 18:22:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
Hi mga mommies, its been a while. Update lang ako ng baby ko. He is now 2 weeks old. Nagka jaundice din sya pero di na kami ni require ng bili blanket. 3 days kaming pabalik balik sa pedia buti nalang pang 3 days bumaba na bilirubin nya. I'm breastfeeding him, pasalamat talaga ako dahil sagana ako sa gatas. Nakatipid din sa formula pero mas maraming diapers ang kailangan pala kapag nagbi breastfeed kasi 2-4 times silang mag poop pwera pa yung pag ihi. So far wala pa kaming binibiling formula, merong binigay ang hospital na similic advance liquid minsan yun ang binibigay ko sa kanya kasi sayang naman kung di ko gamitin. Di ko rin akalain na in 2 weeks ma re receive ko na kagad ang hospital bill ko, grabe isang beses ko lang tinignan at ayoko na ulit tignan dahil nakaka binat lang hehe. Sabi ng asawa ko, ang room rate namin for 3 days eh worth na ng 3 days stay sa 5 star hotel with jacuzi and meals. Pero ok lang makita ko lang baby ko eh wala ng panghihinayang.

Haay alam nyo ba feeling ko Im having a Postpartum Depression, I have some of the symptoms like loss of appetite, crying spells, fear of touching the baby, over concern about the baby. Good thing Im not mean to anybody esp. to the baby. Lalo na bumalik narin sa work husband ko the other day, every 2 weeks lang ang uwi nya. Nakayanan ko naman to nung buntis ako, sabi ko nga di na ko masyadong malulungkot paglabas ni baby pero ngayon na nandito na sya at kasama ko sa bahay eh feeling ko di ko sya kayang alagaan. I'm in tears everyday lalo n kapag kausap ko husband ko. Masyado kasi akong na spoiled ng asawa ko mula nung bagong panganak ako, halos sya kasi lahat sa pag alaga sa baby hangang sa household chores. Kaya nung umalis sya para akong namatayan. Wala akong ganang manood ng TV, pati yung mga teleserye na sinusubaybayan ko online wala narin akong ganang panoorin. Nilalakasan ko nalang loob ko dahil kailangan ako ng baby namin. I realize din na kung di babalik sa work husband ko eh wala kaming pambayad sa hospital bill.

Barenaked congrats for your safe delivery.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-03-31 19:58:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
Hi mommies, just wanted to let you know that i already pop up yesterday (March 16) @ 4:01am. Member narin ako ng puyatan club, hehe. I remember i posted here nung March 15 ng gabi tapos after 10 mins. lang pagtayo ko pumutok na water ko hehe pero wala pang contractions. We got in the hospital about 11:30pm pero mild palang contractions ko. Tapos pagdating ko ng delivery room chineck ako ng nurse by sticking a piece of paper on my inside and it should turn dark blue daw pero di nagbago ang color that means I'm not ruptured yet and she might ask me to go home muna but my contractions started already and it was 4 mins. apart. Baka daw me infections ako or the baby just move so hard that made my water broke etc. So ask ng husband ko if she's still going to send us back home even I'm having contractions already. I went from 4cm to 6cm na and contractions are getting stronger, I was biting my husband's fingers already sa sobrang sakit. I still didnt ask for an epidural but the nurse told me that I can change my mind. Binigyan nya ko ng IV tapos a pain med (Di ko na inalam what kind) but the contractions that I rated to 8 went down to 6 which is bearable and that made me drowsy. Ganun pala yun kapag nag co contract ka lumalabas ang water then kapag wala ng water kusa nalang ma fi feel mo mag push. Sabi ng nurse sa kin wag daw muna akong mag push but I told her that I cant control not to push. So she tought me the breathing to control the pushing. Ang hirap, kasi mas maganda ang pakiramdam ko kapag kusa nalang akong mag pu push. Nung nag 10cm na ko pinag start na kung mag push and that was around 12:30am i think. Di ako nahirapan kasi yung sakit ng contraction napapalitan ng ginhawa kapag nagpush ako. Binigyan din ako ng oxygen kasi bumababa ang heartbeat ng baby ko when I was pushing. So exactly 4:01 am lumabas na baby ko and he is 7.0 lbs and 20.5" long. Sobrang maga ng ehem ko, tapos ang dami kong tahi kasi sabi ng husband ko nung lumalabas na ang ulo ni baby dun palang ako hiniwa and the doctor asked me not to push yet eh di ko na napigilan kaya ayun nawarak ata. Kakatuwa kasi everything fall into places, sobrang pakiusap ko sa baby ko na wag lumabas ng maaga sabi ko sabay na sya sa bday ng daddy nya which is on the 26 pa (25 kasi due nya) pero nung sabi ng OB ko na 4cm na ako last week sabi ko sa baby ko "cge i will not ask you that anymore but just wait for daddy to come home next week" so dumating daddy nya sunday night tapos my water broke on monday night. Monday morning ask ng husband ko kung ready na daw akong mag take ng learners permit sabi ko cge, pero sabi nya pwede din naman daw bukas (tuesday) sabi ko ngayon nalang kasi baka lumabas na si baby bukas matagal na naman ang hihintayin ko para mag take. Buti nalang nag take ako nung monday then nag shopping kami to get more walking ayun pagkagabi sa sobrang pagod ata eh pumutok na water ko.

Congrats LasVegas, thank God nakaraos narin tayo. It's really an overwhelming experience to be a mommy. Sino pa nga yung isang mommy na march din ang due? Back read nalang ako mamaya para maalala ko. Nanganak na rin kaya sya?

Heres the pic of my baby LETCHER BREANE MOTLEY

Posted Image

or you can also access this link:

http://www.ohlooknps...w2.asp?id=14244
BrettanneNot TellingPhilippines2010-03-17 17:07:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
Thanks Pink and Riza, tama na siguro yung 3 box (252 pcs) na newborn diapers na binili namin.

Ilang days nalang cguro itong hihintayin ko bago ako mangitlog. Kanina lang ako nag start maglakad lakad sa mga stores para matagtag. At nakapag take pa ako ng learners permit kanina at buti naman pumasa, swerte talaga ang baby hehe. Sabi ko tulungan nya mommy nya na makapasa dahil para din naman sa kanya yun.

Oo nga pink parang 2 weeks narin ako ngayon na 3-4 cm, ikaw nga ang ini example ko sa husband ko sabi ko me kilala akong mommy sa VJ na nagtagal ng 2 weeks sa 4cm hehe. Nakapag impake narin ako, me check up pa ko sa wednesday kung aabut pa. Ganun ba talaga kapag malapit ng manganak, sa gabi ko nararamdaman na naninigas ang tyan ko tsaka medyo masakit narin pero sa araw ok naman pakiramdam ko.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-03-15 21:18:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
Hi mommies, kamusta? Di pa ko nangingitlog pero baka this week pa sabi ng OB ko. 4cm na ko last week at buti naman medyo sumusunod ang baby sa pakiusap ko na wag munang maagang lumabas. Ninenerbyos narin ako pero gusto ko naring matapos to para me laruan na ko hehe.

Bago na nga ang format ng VJ, nakakalito pero masasanay din tayo.

RR welcome back, buti naman at di ka nagtagal sa hospital. Hinay2 lang sa pag galaw kasi di kpa fully recovered.

By the way, me question lang ako. Mga ilang diapers ba ang nagagamit ng newborn sa isang araw? I know na discuss na to dati pero nakalimutan ko kung 8 o 12 diapers nga ba? Gusto ko lang makasiguro kung kailangan ko pang dagdagan ang diapers ko. Thank you and God Bless!
BrettanneNot TellingPhilippines2010-03-15 11:47:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

Hello Sheila,

totoo yang mga sinasabi mo...dami nilang test, ung ultrasounds ko nga ay weekly, monitor ng heartbeat lang...nagkakapera kc sila sa insurance natin. may ask pala ako sa iyo...

nung pumunta ka ba ng hospital ay mga ano ung nakita mong sign na manganganak ka na? kc ako this morning paggising ko merong blood sa underwear ko, buti nala at prenatal ko today at sabi ng ob ko ay within this week ay baka manganak daw ako at sabi niya normal daw un at antayin ko magbreak ang water bag ko...pero ngayon dinudugo pa din ako pero di ko pa rin maramdaman ang tubig na nagbreak...panay contraction pero nakakaya ko pa naman...nakakatakot ang blood kc na makita mo kc 38 weeks and 3 days na kc ako. Tapos dito lang ako sa bahay pa din kc di ko pa maramdaman ung contraction na masakit na sabi ng ob ko...thanks...


If that is a vaginal discharge mixed with blood, that may be a sign that you are going into labor soon. Nabasa ko yan sa pregnancy book na binabasa. Tama normal lang yan, baka nga manganak kna this week. Ako rin puro false contractions lang din nararamdaman ko, nag increase lang ang vaginal discharge ko pero wala pa namang blood. Salamat naman dahil ayokong manganak ng maaga kaya todo pakiusap ko sa baby ko. Goodluck!

@ Sheila - Thanks. Pasalamat nga ako dahil di naman ganyan ang OB ko. Actually 2 beses lang akong na ultrasound at yung mga ibang procedure eh normal lang naman like yung glucose test and strep b ko. Dapat talaga dito nagtatanung ka din at di ka basta2 umu oo sa mga gusto nilang gawin sayo.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-03-09 21:36:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

Hello barenaked...magkasunod lang pala tayo ng due date...bakit ako weekly ung ultrasound ko since nung 36 wks na ako? meron nga na pinabalik ako kinabukasan kc daw sa "big contraction" na ang natanong ko lang ay may problem ba sa baby ko? sabi ay wala naman...tapos balik ako d next day and ok naman heartbeat...nung 36wks na ako ay 6.5 lbs na baby ko which is natakot din ako kc medyo malaki na un at 4 wks pa ang paghihintay ko...kaya ngayon medyo nag slow down ako sa kinakain ko kc parang mas gusto ko pa rin ang sinasabi nila sa Pinas na madaling mailabas kapag maliit ang baby...ayaw ko ng malaki ang baby kc mahihirapan tayo sa pagpush...ewan ba, dito sa US dapat perfect lahat, pero good naman sa mga pregnant kc naaalagaan tayo. Sa Pinas naman kapag ok ang heartbeat and healhty ay di naman pinag-aalala kung maliit ang baby. Bukas nga prenatal ko ulit at parang ayaw ko na pumunta hehe kc susundutin lang ehem ko ulit kung dilated na ba at ang sakit, ewan ko ba kung mabigat lang kamay ng OB ko or ganun talaga ang sakit kc tinitingnan kung ilang cm na pagkaopen ng cervix...last Tuesday 1-2 cm palang ung sa akin...ewan ko bukas.
Good luck sa ating 2...ang hirap kapag lapit na due date ano lalo na sa pagtulog, ramdam talaga natin ang bigat ng baby natin.


Mauuna ka lang sa kin ng 5 days pero worried ako kasi baka mapaaga ako kasi last week nasa 3cm na ko ewan ko lang sa wednesday pagbalik ko kung nag increase na nman. Pero di naman ako inuultrasound every visit, check lang ng dilation ko. Nasa position narin si baby accdg. to my OB. Tama lang din weight ng baby ko pero sabi ko starting tomorrow mag reduce na ko sa pagkain baka lalong lumaki takot ako baka mahirapan akong ilabas sya. Pansin ko kasi lately lumalakas pagkain ko, di naman ako ganito nung 2nd trimester ko. Excited na rin ako na me kasamang nerbyos pero gusto ko naring matapos to at makita baby ko. Goodluck sa ating tatlo.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-03-08 20:46:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

Hello sis,minsan talaga maaga kang magdilate and take weeks sometimes before ka magfully dilated. Yung sa akin noon eh walang kasinya sinyales na nagdilate ako but one day eh bigla nalang akong naglabor..Lol..

Good Luck!


Ganun ba, sana nga it will take weeks before ako mag fully dilated, hindi pa kasi ako masyadong ready. Pero sabi nga it still depends on your body. Thank you.

I will add narin that I got denied on my application for Medicaid. :(
BrettanneNot TellingPhilippines2010-02-25 19:05:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

hello sa lahat,

im gonna be out na for ahwile by tomorrow...i hope and pray makabalik ako. im gonna miss this thread..sana lang di ako magtagal at makachikka chikka na naman ako dito hehehehehe.

please pray for me....just read my blog na lang.

God bless us all.


RR Napaluha naman ako after kung mabasa blog mo, sobrang emotional kasi ako. But you are in my prayers. Just think positive, lagi mong isipin ang baby mo na naghihintay sayo. I know you will miss him a lot. Be strong and remember God is great.

I went to my OB today for my Group B strep test and found out that I'm 1cm dilated already. I'm only on my 36 weeks and I'm not too happy to hear that since I dont want to give birth too early. Sa tingin nyo ba aabot ako sa due date ko? Todo pakiusap ko sa baby ko na hintayin nya due date nya kasi wala din dito daddy nya at every month lang kung umuwi. Di pa naman ako nakakaramdam ng false contractions.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-02-25 18:27:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

Kaya nga eh hehehehe. Wait na lang natin kung ano yon.

Oy malapit na pala labas ang baby mo...I bet your so excited now :)

Di rin ako nagamit ng pills kasi ayaw ng asawa ko...kahit even nong bago pa kami kasal...and even we are not planning to have the baby right away. Di naman ako nabuntis agad :) Wag na lang masyadong mag loving loving especially kung fertile ka. Anyway ano naman daw kung mabuntis ulit eh..mag-asawa naman daw kami hehehe.


Oo nga malapit na, napapanaginipan ko na nga eh sa sobrang excited. Sa Thursday may Group B Strep test ako then after that every week na check up ko. Ayaw nga din ng husband ko ng birth control after nyang mabasa yung mga side effects magpa bisectomy nalang daw sya kaya lang pano daw kung after a year eh gusto ko na naman ng isang baby hehe. Kasi sinasabi ko sa kanya tama na yung isa dahil mahirap mag buntis, malamang daw magbago isip ko kasi naalala daw nya dati sabi ko gusto ko 2 at least 1 boy and 1 girl. Naku pwede ba namang di masyadong mag loving loving, mga lalaki mo pa mahirap mag control hehe.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-02-23 20:52:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

Hello mga mommies happy monday, excited na ako 2mrw sa check up ng baby ko..
curious ako sa timbang nya..

by the way, ask lang ako.. sa mga mommies na gumagamit ng contraceptive.. anong gamit nyo?? pills??
kasi yaw ko pa ma buntis ulit hehehe.. d pa ako ready.. next visit ko sa OB ko this march 3, kaso d na ako
maka sipot kasi ang asawa ko back to work na sya.. kaya d2 nalang me ask..

thanks..


Wala din akong ma i suggest, nung una sabi ko mag papa inject ako pero nalaman ko sa friend ko na tinigil nya yung sa kanya kasi nakaka sira daw ng menstrual cycle. But I will share here the leaflet I got from my Doctor's office about birth control methods, yung side effects lang and risks ang iniscan ko kasi medyo mahaba. Ikaw na mag decide kung ano gusto mo. Masyado ngang complicated ang mga birth control methods na to kasi wala kang mapag pipilian kung ano talaga ang maganda.

Eve naunahan mo lang akong tanungin si rr kung san sya punta nabasa ko rin yung blog nya, pero malupit na secret daw eh kaya wag na nating pilitin.


Posted Image
BrettanneNot TellingPhilippines2010-02-23 19:37:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

any mommies here na may plano na bumili nang "your baby can read" program?


Its on our plan, maybe few months from now since we dont have the baby yet. My husband and I got interested in it.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-02-21 19:55:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

Sweet! :D Kita mo na! Sabi sa'yo may pasurprise epek lang yan lol! dapat pala tambayan nyo na lang ang simbahan para lagi cya mabait hehe :D Oo nga pala, hindi na tumuloy asawa ko sa work today :D Mabuti naman kasi di maganda weather ngayon gabi.

Asan na kaya ang mga tao dito ,., hmmm., busy sa Valentine's Day :D :luv:


Ooops nandito ako, nag valentine dinner na kami kagabi para di na kami makihalo at makipagsiksikan sa restaurant tonight. Ang daldal na talaga ni Zac ang sarap ng kausapin, ganyan din ang gagawin ko cguro lagi ko syang kakausapin kapag madaldal na. Happy Valentines to all! (L) (F) Enjoy!
BrettanneNot TellingPhilippines2010-02-14 19:03:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

Hello mga mommies.. ask lang ako.. kung ganito rin ba ang ginagawa nyo sa baby nyo..

everytime ba na umi iyak ang baby nyo... dampot nyo agad??
kasi kanina sinabihan ako ng asawa ko.. hayaan ko daw mag iyak.. d daw maganda ung everytime iyak ang baby dampot agad..

d ko kasi matiis ang baby na mag iyak eh..

my time kasi na. busog na sya.. okey naman ang pampers, wala namang probs.. pero umi iyak sya.. kahit na kargahin mo..iyak parin..

sabi naman ng isang friend ko.. hayaan ko daw kahit 5min iyak para mapagod..

thanks.. ano ang advantage or disadvantage...


Take a little longer to respond to your baby's cries as he gets older. Give him practice settling down on his own. Di pa lumalabas baby ko but thats one thing I learn from reading baby books. Pero cguro kung nagwawala na baby mo, tsaka mo na damputin. Yan muna ma she share ko for now.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-02-11 21:32:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

Hi All,

I'm still in pain, physically and emotionally. I loss our babies (naniniwala kami na kambal ang ipinagbuntis ko) right when I passed two pieces (but connected to each other) thumb size blood clots on Saturday night. After my husband and I looked at it he then told me that I miscarried. Yesterday, we went to the doctor and even though we already knew (but we still hoped) ang sakit parin when the doctor told us that they can see no babies in the ultrasound (vaginal). There were no babies at all. Ang sakit...tapos during ultrasound, we found out that I had an ectopic pregnancy (also known as tubal pregnancy or an extrauterine pregnancy) which the reason why I was bleeding with cramps and lower back pain. We're so sad that we loss our babies but we are also thankful to God that I'm already safe now. Masakit...at nakakalungkot na nawala ang babies namin pero nagpapasalamat narin kami sa Diyos na kusa silang natanggal. Kasi kung hindi, kahapon din mismo tuturukan agad ako ng gamot to end my pregnancy which would be very difficult for us to let the doctor kill our babies.

Binigyan din ako ng OB ko ng Methotrexate shots (on my hips) to stop the tissue cells from growing. Kinuhanan din ako ng blood to test my hCG level and pap smear to determine infection and abnormality on my cervix and thank God the results were fine except my hCG level was high (6,000).
Pero, they're still gonna do some more lab tests on me bcoz the doctor too found out that my fallopian tube is enlarge and this one makes us really feel nervous as hell as we know this is more complicated.

Masakit ang tusok ng mga karayom sa katawan ko....pero mas masakit sa dibdib na nawala ang mga babies namin.

RR, thank you so much for asking me if my baby and I were ok....our babies are gone. Pero happy na rin kami coz we got to see them.


You got me in tears while reading your post, I know how painful it is. I'm really sorry for your loss, everything happens for a reason. I hope your other lab tests will be fine. You'll be in my prayers.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-02-09 19:51:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
Kala ko connection ko me problem kanina, nagloko nga ang visajourney. Buti ok na ngayon.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-02-08 21:56:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

Brettane, yup, that's the reason kung bakit ako nakapasa sa WIC at Medicaid. Alam mo sana masmaaga-aga ka nag-apply sa Medicaid kasi "usually" it takes 2 months pa bago nila maapprove after mo submit papers mo pero magreretro back naman ng 3 months eh. Ibig sabihin nun eh kung naapprove ka ng April, magreretro back yung ng January. So kung example eh napunta ka sa ER (knock on wood) nun February eh Medicaid ang magbabayad nun kasi cover ka ng Medicaid nun.

Share ko lang naman to sa iyo (at sa lahat na rin) Naapprove Medicaid ko July pero Emergency lang yun tapos nung December na kabuwanan ko eh binago nila status ng Medicaid ko. Ginawa nilang for Pregnancy Medicaid only (Labor and Delivery) tas nakalagay dun sa letter na nareceive ko eh effecctive lang yun noong first day ng Dec. tumawag ako at sabi hindi daw magreretro back yun. Tas etong nanganak ako eh binalik nila sa Emergency Medicaid since di na ako buntis. Kaya ko naman na sabi na sana eh masmaaga ka nag-apply kasi napansin ko sa timeline mo na malapit na ang duedate mo. Sana ang ibigay sa'yo is yung Pregnancy Medicaid na macocover yung labo and delivery. I am not sure kung iba iba ba ang rules ng medicaid kada state or what. Pero sana ay maapprove ka right away :star:


Oo nga sana mas maaga, di ko pa kasi alam about medicaid kundi lang ako tinawagan ng hospital. Ewan ko nga rin bat ngayon lang tumawag hospital eh 2nd week of November ko pa sinend yung pre admission form ko. WIC lang kasi ang alam ko nun at dito ko lang din nalaman pero di rin ako nag apply kasi kung ano2 sinasabi ng asawa ko kesyo san daw namin ibibigay yung ibang gatas na makukuha ko kasi madami daw at di kami makapasa etc. Binigyan nila ako hanggang March 10 to send the requirements pero ise send ko na kagad kasi di naman mahirap yung mga requirements, para ma process nila kagad. Dapat nga kanina sinend ko na kaya lang naubusan ako ng ink ng printer di ko ma photocopy paystub ng asawa ko, tapos bukas mag i snow na naman dito kaya di ako makalabas para bumili ng ink...hay naku kamalas hehe. Bahala na i send ko nalang yung original. Kung ma late man ang approval sana nga ma retro. Pero sabi naman eh 45 days daw ang duration of approval, sana counted na yung pag submit ko ng application; 3rd week ata ako ng January nag apply online. Makaabot sana. Will keep you posted and thanks a lot.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-02-08 21:51:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

nga pala...to those from indiana (pink and Shiela)...so sorry the Colts lost to the amazing Saints :D :dance: Hubby is soooo happy :star:


Hehe yeah it was a great game. :dance:
BrettanneNot TellingPhilippines2010-02-08 17:55:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

Nung nalaman ko na preggy ako last year ay nagpunta kami sa WIC. Kala namin kasi basta preggy ka eh qualified ka yun pala hindi. So, nadecline kami sa una naming application. Nurse ang asawa ko so nadecline application namin dahil sa income namin. Tinanong ako ng tagaWIC kung nagapply daw ba kami sa Medicaid sabi ko oo. Sabi nya kapag naapprove daw kami doon eh automatic na magiging member na ng WIC. After few days, nagkataon nmn na nagresign asawa ko sa work nya dahil sa hindi nya nagustuhan patakaran sa hospital where he worked. So nung hiningan kami ng Medicaid ng pay stub nya eh ang sinubmit namin is yung last paycheck nya na maliit lang kasi nga hindi nya nacomplete yung days nya LOL! tapos hiningan din namin yung hosp where he worked ng employment cert. showing his last day of working there. After 2 months naapprove kami sa Medicaid, kaya lang Emergency Medicaid lang ako. Ang biniyaran lng ng Medicaid is yung Labor and Delivery ko. Kami na lang ang nagbayad ng prenatal, laboratory, ultrasound pati yung sa urologist ni Zac na gumastos kami ng $500+ kada buwan ng schedule nya :crying: :D.

Nung naapprove kami sa Medicaid eh nagpaappointment na kami sa WIC. At ang hiningi na lang nila sa akin is yung Medicaid ID ko. So , ayun, naapprove kami sa second application :D Siguro sinuwerte lang talga kami at "tamang tyempo" ginawa namin :D


Hi Pink....nag apply din ako ng Medicaid last month kasi tinawagan ako ng Hospital and adviced me to try to apply for medicaid since wala akong Insurance para daw makatulong sa pagbayad ng bills ko. Tinry ko naman, nag fill up ako ng form online tapos after few days tinawagan ako and ask me few questions tapos ngayon me dumating na mga list of requirements like Pregnancy verification form, copy of my I-94, photo ID, passport and my husband's paystub for January 2010. Buti naman at maliit lang yung sweldo ng asawa ko last month dahil almost 2 weeks syang di pumasok after the holiday. Di ako nag try mag apply ng WIC kasi laging sinasabi ng asawa ko na di kami makakapasa dahil malaki daw yung ITR nya last year, eh last year pa yun medyo affected ng crisis ang work nya kaya maliit kita this year. Pero natutuwa ako sa sabi mo na kapag nakapasa ng Medicaid eh automatic magiging member na ng WIC. Di na daw kailangan ang interview sa akin sabi ng taga Social Services. Buti nalang yung sa OB ko na fully paid na namin, $3000 din yun. Tapos sa hospital daw estimated mga $6000 sabi nung taga billing Dept. haaaay kaya I'm really praying na makapasa ako kahit ba na emergency medicaid lang eh malaking tulong na yun plus pa yung sa WIC diba.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-02-08 15:49:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

hhhmmm... parang safe pa naman :) hehehe
with tender love and care :P



for as long as walang complication ang pagbubuntis mo ok na ok pa 'yan. I remember when I was 37 weeks pregnant cge pa rin kami nang cge.

BTW, in pertinent to the question of when to have sex again after having a baby? I was 4.5 weeks :devil: me and my hubby both can't wait..and waiting sucks! :blush:

It's ok to have a conversation of this matter for as long as we abide the rules and regulations of this forum (I think!)


Ok thanks girls, just wanna make sure. Oo tayo2 lang naman nag uusap dito kaya ok lang.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-02-05 22:41:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

May tanung ako ulit mga mommies nararanasan niyo bang magmanhid yung kamay niyo? Napansin ko lately na yung kamay ko eh nagmamanhid na may kasamang sakit at hindi ko siya magrip. Ewan ko ba kung bakit.

About sa bleeding, ilang weeks bago mawala ang bleeding?

May nagpipills ba sa inyo dito? Dun sa mga hindi gumagamit ng pills anu yung pag-iingat ang ginagawa niyo? Ayaw kasi ng asawa ko na magpills ako at ayaw ko din namang masundan agad si baby :rofl: :rofl: :rofl: share naman mga mommies!


Why dont you try the birth control shot kung ayaw mo mag pills. Ask mo OB mo about it, ako kasi yun ang plano ko kasi yun ang ginagawa ng sister in law ko and my friend sa pinas. Every 3 months ang shot nun. Di kna mag woworry kung ma miss mong mag take ng pills sa isang araw and besides takot din ako mag pills, ayaw ko rin ng rubber kasi first time ng asawa ko gumamit nyan eh nagka UTI ako (di pa kami married nun) kaya di na naulit. Question ko rin, hanggang kelan ba safe mag "S" pwede pba ngayong 33 weeks na ko? hehe.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-02-05 14:19:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

i tried to have some canned tuna earlier this noon pero umayaw sikmura ko kasi masyadong malansa sa pang-amoy ko kaya hindi ko tinuloy ang pagkain...kahit nilagyan ko ng lemon juice ganun pa rin kaya wala talaga akong pag-asa sa fish. masyadong maselan ang ilong ko pagdating sa amoy ng isda ngayong buntis ako. kasi kahit na ang chips like pringles para sakin amoy isda. kaya fish oil na lang pag-asa ko...


Well parehas tayo before ako nabuntis halos araw2 akong kumakain ng Tuna sandwich from subway pero nung nabuntis ako iniisip ko palang parang naduduwal na ako hehe. Buti ngayon ok na, kaya ko na ulit kumain ng tuna pero mas masarap yung century tuna sa atin. Mag fish oil ka na nga lang hehe.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-02-05 14:01:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

Hello,


Brettane,
when pala due date mo? Good luck ha! :)



About sa sleepers, meron si Zac na di-snap saka zippered type. Pero totoo nga na masmaganda ang zippered type kasi masmabilis isara. Grabe na ito! Palakas ng palakas dumede anak ko. Dati 34 - 36oz a day lang tas kahapon eh naka 40oz. cya tas ngayon eh naka 10oz cya sa loob lang ng 5 hours. Ang mahal pa naman ng gatas :crying: LOL! :D


Hi Pink, thanks for asking. March 25 due ko pero kinakausap ko baby ko na mag 26 nalang para sabay sila ng bday ng daddy nya. Possible kaya yun? hehe mukhang hindi ata kasi karamihan na mga mommy dito eh a week or few days ahead of their due nanganak pero sana makuha sa pakiusap si baby. Good to hear that baby zac is doing good, haay buti pa kayo me pinagkaka abalahan na.

Evelyn meron talagang mga puti na di mahilig sa seafoods, buti nalang at ang asawa ko hindi maselan. Favorite nya bangus, so pag pumupunta kami ng oriental store di pwedeng di kami bumili ng bangus kahit hindi na fresh.

Happy - If you like canned tuna just choose canned chunk light tuna, yung ibang canned tuna kasi is Albacore tuna which is high in mercury. Pero sabi mo nga di ka mahilig sa fish. Hintayin mo nalang doctors appointment mo to ask about taking fish oil to be sure.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-02-02 22:33:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

hello mga mommies...

meron akong tanong, lalaki ba o babae doctor/s niyo? i shopped for a ob/gyn week ago at meron akong four different appointments with different doctors this month...two of em are male and two are female. pero parang hindi talaga ako kumportable sa lalaking doctor eh...hehehe...pero sabi naman ng reciptionist na nakausap ko mas maganda raw pag male kasi mas gentle, pag female walang pakialam and pagagalitan ka pa. ganun?

any suggestion mommies....


Ganyan din feeling ko nun, ayaw ko talaga ng male OB. Pero we had no choice, walang available na female doctor nung schedule date ko which we have option to change naman next OB visit sana ...but after I met my male OB, i felt comfortable with him. He did the transvaginal ultrasound and he is not even looking at my ehem. Sabi nga rin nung nurse na nakausap ko when I was only getting my schedule, male OB's are fine. Me kasama namang female nurse everytime they check you and your husband is allowed to be with you kaya no worries. It's really up to you sis, if you really feel that you want to have a female doctor just go for it. It just dont really matter. Goodluck!
BrettanneNot TellingPhilippines2010-02-01 12:10:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

Hello mga mommies!!!!!!!!!!


I give birth 12:32 pm, January 29...


A healthy baby boy.

He is 7 pounds 13 oz and 20 inches tall.


Congratulations! Share ka ng story mo pag ok kna at pics ni baby boy. God Bless!
BrettanneNot TellingPhilippines2010-01-31 20:12:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

Hi to all mommies hopefully everybody's doing great with your babies, I have a question because my OB/GYN ask me last time that if we want to do the Amniocentesis test kasi 37 na ako pero she told us na optional naman kasi nga high risk na daw ang more than 35 years old na pregnant for the baby to have a down syndrome, kasi may next prenatal schedule will be next week, na worried naman ako sa nabasa ko kanina kasi andaming booklets ang binigay sa akin ng OB ko nabasa ko doon about sa down syndrome parang natakot ako tuloy pero marami naman akong friends na nanganak na more 35 years old na sila normal naman, any suggestions please :crying: meron ba mommy dito na nanganak na more than 35 na? share naman yong may ideas jan ha...pero sabi naman sa akin ng OB ko maganda naman daw yong pag grow ng baby ko normal naman daw pero syempre maaga pa naman I'll pray a lot na sana nga wala lang problema ang pag buntis ko trust naman ako kay Lord kaso di ko maiwasan minsan mag worry tao lang ako di ba....thanks in advance...


Hi rose, I am 35 right now but i refuse to do amnio so i did only genetic testing...Nasa sayo na yan kung gusto mong mag amnio pero ayaw ko talaga kc takot ako dyan...Kasi for me it useless what if the baby have down syndrome may magagawa ba cla eh wla naman...Pray na lang ako that my baby is healthy...


Kahit ata anong edad sina suggest nila ang test na yan, dinecline din namin yan. What i heared was ang option kapag positive is to terminate pregnancy, kaya sabi ng husband ko eh kahit daw mag positive eh willing daw ba akong i terminate eh catholic daw ako at di naniniwala dun. And besides sabi nung nurse sa akin kung me problema ang baby makikita din yan sa ultrasound at sa blood test. Additional expense lang talaga yang test na yan, basta pray ka nalang.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-01-31 13:13:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

hello mga mommies...

halata talagang hindi ako nakakatulog kasi ang aga-aga nandito na ako sa vj nangungulit...hehehehe...

mga mommies, tanong ko lang...hirap talaga akong makautolg (grrrrrrr lol) sa gabi...and im getting worried na baka maapektuhan si baby...sa tingin niyo ba ok lang si baby ko kahit madalas akong puyat? and...curious lang ako, 6 weeks na tiyan ko tomorrow pero bakit hindi ako nagsusuka...normal lang ba yan? pero masyado akong sensitive sa smell kahit amoy ng ground black pepper ayoko siyang naaamoy...


Never din akong nagkaron ng morning sickness/vomiting from the start until now. Wala din akong pinaglihian, yun nga lang nawalan din ako ng apetite at yung excessive saliva that bothers me. Nagwo worry nga din ako nung umpisa kung normal lang ba yun, kung ok lang ba si baby kasi halos lahat ng mga buntis eh nakakaranas ng pagsusuka. Sana di magbago pakiramdam mo.

Normal lang din siguro ang hirap sa pagtulog, medyo baligtad lang tayo, ako kasi nag start akong di makatulog nung second hanggang ngayong last trimester ko na. Malay mo makatulog kna pagdating mo ng second trimester. Hindi na nga ako natutulog sa araw baka sakaling makatulog ako sa gabi pero ganun parin kahit magbasa ako bago matulog walang effect.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-01-27 20:17:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

there are nipples that are slow flow for 0-3 months :)

am taking Pro-Lacta na padala ng mom ko. 2 caps 3 x a day. pansin ko parang dumami gatas ko kasi pag nakapagdede si maizy at both breasts, ok na sya, although sometimes naghahanap pa`sya. sayang, maski sore, sana nakapag-pump ka or hand-expression.

oh the spots...they are called "mongolian spots"...totally benign and will disappear in time :) Haven't seen any on Maizy...


Hi doc gracey ask ko lang about sa Pro-Lacta, kahit san bang drug store sa pinas meron yan? Magpapadala din kasi mom ko ng mga ibang bilin ko and i will add that up. Thanks for this tip, I really want to breastfeed.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-01-27 20:06:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

hello brettanne,

teka, napansin ko pala name ng hubby mo..."brett"...kapareho ng second name ng hubby ko... :star:

anyway, thanks sa respond...actually, hindi ako mahilig uminom ng soda/coffee or anything na may caffeine pero hirap pa rin talaga ako makatulog sa gabi...tapos panay din ang change ko ng position kaya hubby ko hirap din makatulog dahil ang likot ko daw...lol. ewan ko nga eh bakit 6 weeks pa lang tiyan ko pero medyo naka-umbok na siya...hindi naman ako malakas kumain :star: at hindi masabi na naggi-gain na ako ng weight pero sumusikip na nga mga jeans ko :whistle:


Hehe yap my husband's first name is Brett.

Naku lalo na yan kapag malaki na tyan mo (after 28 weeks), kasi its advisable to lay on your side to maximize the blood flow to your uterus, which brings more oxygen and nutrients to baby. About naman sa paglaki ng tyan mo kagad, baka malaki ka lang talagang magbuntis. Tapos nba ang first doctors visit mo? Kasi ako nun inesked ako ng doctor ko on my 8 weeks for my first check up.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-01-26 13:19:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

hay, katuwa naman talaga panoorin pictures ng mga babies dito :) ...ang ku-cute super! :star: mas lalo tuloy akong naaatat na makitang nakangiti ang baby namin... :star:

anyways, mga mommies, i have a few questions...

1.) i have read on the internet that having trouble sleeping at night is normal during (early) pregnancy...kaso, halos hindi ako makatulog every night even after having a glass of hot milk (as suggested), im having to force myself to sleep...any suggestion?

2.) i have been noticing lately, that my stomach (yes my tummy) farts a lot :wacko: (excuse me mommies)...this never happened to me before, just now that im pregnant...is it normal?

3.) according to what i've read on the internet (again) bout american's "kasabihan", how true that telling people about your pregnancy inside the first trimester is bad luck? :unsure:

4th and last question (for now lol)...magsi-6 weeks pa lang ang tiyan ko pero medyo halata na siya and i can feel that my jeans/bottom pajamas are getting tight...ganun din ba kayo nung 6 weeks niyo? minsan tuloy naiisip namin ng asawa ko na baka kambal ang pinagbubuntis ko. :star:

thanks in advance mommies!


1. Well I didnt had any trouble sleeping on my first trimester, it just started on my 2nd and last trimester. Kahit na uminom ako ng warm milk at kumain ng saging bago matulog wa effect. Minsan mahihiga ako ng late to make sure na makakatulog kagad ako pero 3am gising pa ko pero ngayon in fairness di na ganun ka late ako makatulog. Avoid drinks with caffeine, ako never talaga akong uminom ng me caffeine pero di parin ako makatulog.

2. Siguro normal lang yan, pero ako kasi minsan ko na eexperience yan ngayong last trimester ko na.

3. Meron din palang pamahiin ang mga americans? hehe. Ngayon ko lang narinig yan pero ako kasi di ko muna pinagsabi until after 2 weeks cguro after kong mag home pregnancy test. Gusto nga ng asawa ko sabihin ko nalang daw sa nanay ko after ng doctors appointment pero di na ko nakapag hintay. Its better to tell your immediate family first before anybody else.

4. Malalaman mo yan kung twin on your first doctor's visit thru transvaginal ultrasound. Ako 14 weeks na tyan ko nun pero kasya parin mga jeans ko.

Goodluck....you have a long way to go, more experience and later pains hehe.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-01-25 17:55:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

i'm also due on march...
malapit na :)


Ok buti naman at me ka due ako, si Las Vegas March din pala due nya. Keep us posted!
BrettanneNot TellingPhilippines2010-01-22 16:00:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

wow ang cute naman panoorin...kakainggit...i cant wait rin na lumaki na baby namin yung bang maeenjoy mo na tlaga sya...kasi its nice looking at father and son having a good moments like that.


RR kumikindat na baby mo ha, hehe cuteeee.

Evelyn sarap talaga kapag pwede mo na malaro baby mo, matibay na ang buto kaya pwede na ring kurutin.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-01-22 11:41:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

yes, she was baptized catholic. was done as part of the Mass, so that it was basically not just a family event but a community event. She was introduced to the community at th end of the Mass :) Even sa pinas, may baptismal class na din na requirement before you can have your child baptized. Yung letter, yun ay kung ibang town or state yung godparents; if they are within the same city, di na kelangan. Just making sure na Katoliko nga yung mga ninong and ninang. We had her baptized right away because 1) to take advantage of Hubby being on leave (he works weekends kasi), 2) habang bakasyon pa yung mga ninong and ninang (she was baptized Jan 3), and 3) para matapos na. Alec was baptized when she was just 5 days old :)


Ah ok, meron nga palang seminar sa pinas sa binyag i remember na. Marami akong mga pinoy friends dito na gustong maging godparents pero nasa ibang state kaya im sure di naman sila makaka attend ng binyag kapag dito ko gagawin kaya sa pinas nalang ipa proxy ko nalang hehe. Thanks.

shiela congrats sayo.kainggit nmn my baby na kaw.excited na ko mkita baby ko.matagal pa ako april 07 pa due ko..ang cute ng baby mo.

MGA MOMMIES,
ASK KO LNG DURING PREGNANCY D BA KYO MAKATULOG?KC AKO EVERYDAY LAGI LATE AKO NAKAKATULOG.DB MASAMA UN?KC KUNG MAKATULOG ME 2AM LAGI THEN MAGIGISING AKO 2:30 TO GO PEE THEN MHHRAPAN N NMN AKO MAKATULOG ULI.MAKAKATULOG LANG AKO ULI MGA 6AM NA.UNG BABY KO KC PARANG D NATUTULOG GALAW NG GALAW.NORMAL LANG BA YUN?ADVICE NMN JAN MGA MOMMIES.


Ako ilang lingo ng di nakakatulog, pag nahiga ako after 2 hours pa ko makakatulog tapos pagising gising pa to pee. Mga 3 times yun tapos pag nagising pa ko to pee hirap na naman akong makatulog ulit. kaya mga 10am na ko nagigising. Sabi nila you are getting into the routine na daw kasi kapag dumating na si baby ganun din ang mangyayari pagising gising din to feed the baby.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-01-22 11:38:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

Brettane, depende kasi yan sa baby kung may problem. Kung may problem ang baby pagkalabas eh kailangan ng ultrasound. Gaya ng anak ko, inultrasound yung kidney nya kasi ni check kung may fluid. Sana walang maging problema ang mga baby ng mga sususnod na batch na manganganak dito :)

Doc Gracey, curious lang ako. Catholic ba nung bininyagan si maizy? Pano ba ang binayagan dito? tulad din ba sa pinas? tapos
may handaan after it?


Thanks pink and frosty for that info, so pano nila malalaman kung nasa position na baby before delivery thru ultrasound din ba? I mean kung breech ba o hindi. Sorry curious lang ako.

Oo nga doc gracey catholic ba? Bakit me baptismal class pa at yung letter pa from the parish priest ng mga Godparents. Di rin catholic husband ko pero open naman sya sa idea and we are planning to do the baptismal in the Phils. kahit later na.

Las Vegas - Sabi ng OB ko hindi porke nadulas ka eh delikado na si baby, depende nalang kapag dinugo ka. About naman sa birth class depende sayo kung gusto mo pero ako walang plano kasi dagdag gastos lang yan. Tama si pink ang pag ire parang pag poopoo lang at sabi din ng iba.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-01-21 21:55:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

Brettane...ung una kong ultrasound 9 weeks ako when my doc see the result my bloodclot kc cla nakita sa uterus ko kaya i redo my ultrasound nong 11 weeks...tapos yong 3rd ultrasound ko ay sa genetic testing yon kc ayaw ko ng amnio so genetic testing lang yon kinunan ako nga dugo at measured nila yong back neck nga baby...at everything was fine naman wait ko na lang ang result ng blood test ko...


Ah kaya pala, buti ok na ngayon. Thanks and Goodluck!
BrettanneNot TellingPhilippines2010-01-21 19:32:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

Pink...yeah its my 3rd ultrasound na yata...1st ultrasound ko was 9 weeks then 11 weeks and thats the last 14 weeks then have another ultrasound schedule naman on my 16 weeks...

Dianne...tayo yata ang magkasunod ng due date...naku ang sayang tingnan ang lakas mag acrobatic ng baby ko...lol


Bat ang dami mong ultrasound? Ako isang transvagina at isang 22 weeks ultrasound palang so far. Di ko alam kung me susunod pa. Yung mga bagong panganak me ultrasound pba bago manganak? Solong solo ko ata this march ah.

@ Sheila cute and ang puti ni JM ka nickname nya pamangkin ko. Ang alam ko nga dito pwede ka ng maligo the next day di tulad sa atin marami pang bawal kung sa probinsya ka pa nga papaliguan kpa ng pito2 hehe.

Frosty mukhang nasagot na ng mga mommies dito lahat ng questions mo, wala akong masasagot kasi di ko pa na experience yan hehe pero at least me idea na ko sa mga sagot palang nila.

Enjoy being a mommy.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-01-21 19:06:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

good news.. Finally na ilabas kuna ang healthy BABY boy c - section

JANUARY 19th
6.4lbs
I am still here at the hosp.
I will post pic soon

thanks for all the prayers...


Congrats sheila! Finally tapos na ang paghihintay mo. Bakit ka nga pala na CS? Kwento mo nalang paglabas mo and we'll wait for the baby pics. God Bless!
BrettanneNot TellingPhilippines2010-01-20 11:30:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

okay here goes

Adelie Mae Erro Eaton

born 01/17/2010 6:29 pm

19.25 inches long

5 lbs 11 ounces

girl


she should be home tomorrow if there are no complications but by all apperances she is perfectly heathly and very opionated


Wow congratulations for a healthy baby girl! Ang aga mo namang nanganak. Ask ko lang, premature baby ba sya o hindi naman? Curious lang ako. Naunahan mo pa yung mga mommy na due this January. Nakaka tense tuloy baka manganak din ako ng maaga at wala dito asawa ko, wag naman sana.
BrettanneNot TellingPhilippines2010-01-18 15:24:00