ForumTitleContentMemberSexCountryDate/Time
PhilippinesAll pregnant Mommies
Sweetpink, buti pa si Ethan nakapag Easter Egg Hunt na. Kami dito nicancel kasi daw uulan tom :bonk: Next week na lang daw gagawin easter egg hunt.

Te Riza, hirap pala ng sitwaston ni Maizy. last 5 days ago may napansin akong parang red rashes sa mukha ni Zac, kala ko eh yun lang yung normal na red spots na nagkakaroon cya na everytime madikit mukha nya sa damit pero nawawala din after few hours. I waited for 2 days na mawala pero hindi nawala. Natakot ako kasi baka daw eczema so pinahiran ko agad ng Aquaphor, ayun wala na now. Buti at hindi eczema. Have tried Aquaphor? Pwede din kasi sa Eczema yun. Mejo may kamahalan pero makikita mo agad effectiveness nya in a day tas continuous lang gamit at mawawala din. Yung sa akin kasi sample size lang yun kasi free lang yun sa hospital.

Eve, Welcome back! ilang oras binyahe ninyo?

Musta naman ang mga buntis at bagong panaganak? Hope everythings all well with you and your babies.

HAPPY EASTER TO ALL!!


o0pink0oFemalePhilippines2010-04-03 20:42:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
Te Riza, hehe ok lang yun :) Good for 3 months yung shot. Hindi kasi ako pwedeng magpills kasi tamad akong uminom ng gamot. Saka nga pala sa lahat ng gusto na magtake nung shot kailangan eh MORE THAN 2 weeks kayong hindi naglabing labing ng asawa nyo bago kayo bigyan ng shot. Kasi daw mahirap bigyan ng shot kung less than 2 weeks kasi may possibility na baka napreggy.Lam ko nagbakasyon si Eve dito rin sa US pero sa ibang state. NY ata, tas yung bakasyon nila sa Pinas ay sa August pa. Yan e kung tama memory ko hehe.

Brettane, usually kasi ganun eh. Mga 2 months bago cla magresponse saka humaba ang tulog ng unti.

Sweetpink,ganun ba. Naku po! Ang estimated na weight ko kay Zac is more or else 16lbs and he is only 3 months and half :wacko: Nasa lahi kasi ng asawa ko yung malalaki talaga baby tas biglang payat kapag natuto na maglakad.
o0pink0oFemalePhilippines2010-04-01 22:04:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
Sweetpink, ahh ok thanks! Oo nga, sasabunin ko na lang ng mabuti pra hindi mangamoy :thumbs: Feeling ko din ang magugustuhan ni Zac is yung video kasi makarinig lang ng tunog tong si Zac or ng music sa TV eh nakatingin agad. Ano pla weight at age ni baby mo? Kasi gusto ko yung built ng katawan nya. Di katabaan di kapayatan. Malusog cyang tignan :D Mahirap naman kasi yung mashadong mataba saka yung mashadong mapayat din.

RR, kaya nga sabi ko eh si Zac na lang pagtuunan nyo ng pansin sa video at hindi na ako eh LOL! I am just a proud mommy that my baby can response at an early stage. I think lahat naman tayo ay proud sa mga babies natin kapag nakaaccomplish sila ng development. Masarap kasing tignan at subaybayan paglaki ng mga babies natin.

Te Riza, sencya na hindi ko makukunan ng video si Jacob kasi anak ni Eve yun LOL! Si Zac baby ko hehehehe. Si Zac kasi once na makita nya na you are taking video or pic of him eh usually titingin na lang sa cam yun at ihihinto ginagawa nya. Kaya nga yung video na kumakanta cya eh patago yung digicam ko or else hihinto cya sa pagkanta hehe. Musta na pala si Evie? Ang cute nya. Ang puti puti pa :luv:

Te Ady, tagal na tayong di nakakapagchat ah. Sencya na at busy busy mode ako kaya nga minsan lang din ako makadalaw dito. Musta na si Mae? Kita ko pics nya at laki talaga ng nilaki nya hehe. Pakurot sa pisngi :D

Brettane, sana maovercome mo na yang post partum kasi mahirap din. Nung bagong panganak din ako eh mejo hirap ako kasi may work din asawa ko tas minsan ang sked nya pa eh 12hrs a day kaya ako rin nagaasikaso magisa kay Zac. Gaya mo eh nahirapan din ako. Pilitin mo na lang na ngumiti pa rin inspite ng nararamdaman mo. Lam kong mahirap gumising ng madaling araw to feed the baby lalo na't di tayo nasanay ng ganun sked pero wag kang magalala dahil mga 2 months lang eh makakaadjust ka na rin. Konting tiis na lang tapos nyan kapag 3 months na eh masasanay na ang baby mo sa umaga at gabi kaya hindi ka na mashado mahihirapan. God bless :)

Eve, happy trip at enjoy your vacay :D

Doc Gracey, how's Maizy doing? sana di na magloko wifi nyo hehe

chinese, nagkaGD ka pala. Ingatan mo si baby ha and i-ready na ang mga gamit hehe :D


I just had Birth Control Shot yesterday. I paid $170.00 for that including pap smear and pregnancy test saka exam. Sabi ang effectivity daw nung shot na yun is after 7 days. Ang next appointment ni Zac ay sa Apr. 8 pa at mababakunahan na cya.

o0pink0oFemalePhilippines2010-04-01 14:54:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
davanj, Zac is 3 months and almost 2 weeks now pero that video was taken when he was almost 3 months ata. Masaya talaga feeling kapag nakikipagusap ang baby kaya nga minsan pagbored ako eh ginigising ko si Zac pra kausapin ko :bonk: hehe nakaktuwa kasi kadaldalan nya :D Malapit ka na rin manganak. Nakakatuwa ang feeling ng movement ng baby sa tiyan no lalo na kapag umiikot cya kasi minsan tabingi yung tiyan mo LOL! pero minsan masakit din kasi naninipa at palaks ng palakas pero ok lang at least alam mo na gumagalaw cya db? good luck sa pag-ire mo soon :)

sweetpink, laki na ni baby mo. I can't wait na rin na makipaghabulan kay Zac. Ask ko lang, hindi ba maamoy rubber yung mat na inuupuan nya? Kasi gusto ng dad-in-law ko na bumili ng ganyan for Zac din pero kasi ayoko ng amoy nya hehe. Pero kung di naman maamoy rubber eh ok lang. Maamoy ba? :)

Doc Gracey, nakaktuwa si Maizy. Feeling ko halo cya na parang kamukha mo at kamukha ng asawa mo :D

RR, si Zac kasi yan ang favorite nyang kanta. Minsan basta i-hum ko lang sa kanya yan pipikit na agad pero minsan sinasabayan nya ako. Gusto nya rin yung Silent Night na kanta na version ni Sarah Mclachlan. Yung commercial sa TV na kumakanta cya na tungkol sa mga naaping mga pets. Kapag narinig nya yun tingin agad cya sa TV :) Galing naman at nakakaroll over na c Tyree.

barenaked & rose
, nanganak na ba kayo? post some pics ha :D

Te Riza, wish ko lang magaling cya kumanta paglaki hehe. Kapag gabi lagi nasa MTV at VH1 na mga music videos ang pinaririnig ko sa kanya while sleeping hehe. Ang cute ni Evie, lalo na ang tawa. Sarap tlaga pakinggan ang mga tawa ng babies :)

Te Ady, hala! wala pa rin? pero feeling ko ok lng din naman kasi Jan ka lang nmn nanganak eh give more 1 month kapag wla pa eh mag EPT ka na. Pero ba't masakit puson mo? nakakapagtaka. Yung sakit ba eh parang yung magkakaroon ka?

I use dreft as his laundry soap tas resolve spray and wash naman as stain remover tapos snuggle ang fabric softener. Hinahand wash ko kasi yung mga damit nya lalo na yung mga bib tas i-spray ko pa ng resolve bago ko lagay sa washer. Ewan ko, sigurista lang ako sa stains kaya doble doble ginagawa kong paglilinis :bonk:

Meron ba ditong nakatry na ng Your baby can read? I am planning on buying for Zac since he loves watching TV and loves to daldal so we are thinking that he might learn faster using that educational software tool. Mejo may kamalahan cya kaya gusto ko muna ask kayo kung meron na bang nakabili nun dito at kung effective ba?

May ubo't sipon si Zac :( Tapos feeling ko may sinusitis din. We will bring him to the doc kasi we've tried Vicks Warm Steamer pero ala pa rin. He will breathe better after few hours then ganun ulit. I use nasal aspirator din almost every 3 hours to suck his booger out pero ganun pa rin tapos marunong kasing suminghot si Zac eh. As in yung singhot na parang singhot na ng adult kaya ayun hindi lumalabas lahat. Naawa na tuloy ako :(
o0pink0oFemalePhilippines2010-03-28 13:23:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
Rose, good luck sa pag-ire. Malaki laki pala ang i-iire mo hehe. Be ready na at siguraduhin na complete na ang gamit nadadalhin mo sa hospital kasi anytime pwede ka na mangitlog :)

Brian, ain't it nice to see your baby even in picture? I remember the feeling of the first time we had Zac's ultrasound :)

Doc Gracey, galing naman ni Maizy at mabilis ang development ng katawan nya :thumbs: Si Zac ang bibig ang mabilis ang development. Madaldal, kumakanta, palatawa higit sa lahat matakaw :rofl:

Ako naman I always make Zac wear bib para hindi tumulo yung laway nya sa damit nya. hirap kasi maglaba ng damit lalo na at hinahand wash ko pa dahil sa mga mantsa ng milk. Si Zac din ay nagstart ng magbubbles bubbles yung bibig. Niloloko ko na cya kapag kinakausap ko sabi ko "O, uminom ka na naman ng shampoo? " tapos ngingiti nmana cya :rofl:

He drinks 60oz. of milk na in a day tas pwera pa dun yung 7 kutsaritang oatmeal cereal na hinahalo ko sa bote nya. dati 5 kutsarita lang now 7 na :D Ang estimated weight ko sa kanya now is almost 16lbs. Kasi niweight ko muna yung sarili ko sa digital weighing scale namin tas after nun binitbit ko si zac tas nagminus lang ako sa weight ko. Ayun, 16.2 lbs cya pero may damit cya nun so feeling ko kulang sa 16 lbs. na cya saka yung number 1 na diaper eh mejo masikip na sa kanya kaya bumili na kami ng number 2 :D

Here is a vid of Zac na pinipilit nya kumanta habang naghum ako sa kanya pra makatulog cya. Si Zac na lang pakinggang nyo wag na ako :bonk: :D

http://www.youtube.com/watch?v=k4SEz52GIKI
o0pink0oFemalePhilippines2010-03-25 18:57:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

hi there!
that is an amazing video! what an amazing baby! haaay, sana magsalita na rin si matthew ko :)


Yeah, we were all shocked nga din kasi we thought that his first word would be mommy, daddy or something like dada, coo-coo pero hindi cya first WORD eh kundi WORDS kaya natutuwa naman kami. He say i love you occasionally and I think the reason behind na rin kung ba't cya nagsalita ng maaga kasi lagi ko cya kinakausap at cya rin kasi madaldal talga eh.

Ilang buwan na ba si Matthew? Basta lagi mo lang cya kausapin magsasalita din yan :) Minsan kahit naghuhugas ako ng pinggan eh dinadaldal ko si Zac. Ang inaabangan ko ngayon ay ang pagcrawl nya at sana ay mahold na nya yung head nya.

God Bless to all! :)

o0pink0oFemalePhilippines2010-03-20 20:52:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
Hello mga mommies,

I want to share this video. I was putting Zac to sleep one time (when he was 1 month and half old ) when I said I love you to him then I kinda heard him say "i love you". At first I didn't believed what he said because he is too young to say words like that so in short I ignored it. He did it again after few days so I immediately told it to my hubby and like me, he didn't believe it either. Few days after, I was talking to Zac while filming him when I said I love you to him and he said "i love you" to me Posted Image Actually I didn't realize that he said it again til I showed the video to my husband THEN that is the time that he believed it because it was caught on cam. Well, he did not really he said the word "i love you" clearly but he can sound it already Posted Image

http://www.youtube.com/watch?v=Y44pV26IOpA

BTW, Zac is 3 months and a day now. Sorry for the late post kasi i tried to figure out pa on how to video cut eh. Posted Image

Edited by o0pink0o, 20 March 2010 - 04:47 PM.

o0pink0oFemalePhilippines2010-03-20 16:46:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
LasVegas, Congratulations!!! Ang laking tignan ng baby mo, feeling ko more than a month na cya kung titignan sa pic hehe.

Abbie, welcome sa thread na to! :dance:

RR, hindi ako nagbabayad sa traffic feed. Free lang yung software na yun. Check mo yung blog ko tas click mo yung pagerank tas lagyan mo rin ng counter yung blog mo. Masmaganda kung gagawin mo na yan now hanggat new pa blog mo. Natutunan ko lang lahat to kay Ady (Frostysofty). Cya ang tunay na queen of blog lol!
o0pink0oFemalePhilippines2010-03-17 15:54:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
Te Riza, nakaka 50 oz. cya a day. Sobrang takaw nga eh dinadaig pa yung ibang baby na matanda sa kanya ng ilang buwan lol!

Brettane, anong 2 weeks? 1 month akong 4 cm LOL! kala ko nga forever na akong 4cm :bonk:

RR, basta always update your blog tapos kailangan madaming traffic ang blog mo. Kailangan madami kang viewers. Kpag ang ranking ng blog mo is nasa PR2 (Page Rank 2) at GIP mo is nasa 50 na at your blog is 3 mo nths old na eh pwede mo na submit blog mo at kikita ka na. I love blogging. I started blogging since 2005. I started sa friendster kaya lang lumipat ako ng blogger kaylan lang.

Hirap pala ng sitwasyon mo sa hospital. Nakakain ka ba sa bibig now? Sana gumaling na yan ang makadaldal ka na ulit :D
o0pink0oFemalePhilippines2010-03-16 20:56:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

hala Pink!!! kla ko naman alam mo na pinost ko pa sa FB ang mga pics ng last ultrasound ko :P


hehe hindi ko pa nakikita kasi nmn busy mode ako. d makapagFB ng matagal hehe. CONGRATS!!
o0pink0oFemalePhilippines2010-03-15 16:27:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
Nawindang naman ako sa VJ lol! meron pang reputasyon (reputation) sa profile. ano ba ibig sabihin ng reputation dito? lol! hay! masaanay din tayo.

RR, mabuti naman at close na sila ng daddy nya. masarap kasing tignan na na kikita mong naglalaro ang baby mo with his/her daddy saka masarap din pagmasdan kapag natutulog silang dalawa na magkatabi. I hope you are feeling much better now in regards with your health at congrats nga pala dahil blogger ka na rin :P

Brijo, I am happy for you that you made thread like that so that fathers can share their experiences in fatherhood to other fathers here on VJ.

Te Riza, sinabi mo pa :thumbs: parang kailang lang ay NB size ni Zac tas ngayon eh 3-6 months na sinusuot nya :dance:

Brettane, nakaempake nb ikaw? usually 8 diapers a day ang nacoconsume. hay kaexcite, naalala ko tuloy nung 4cm din ako gaya mo. feeling ko 4cm na ako forever lol!

D,ano na gender ni baby?

Kamusta sa mga malapit ng mangitlog. Magprepare na kayo at magtulog na kayo ng magtulog dahil hindi nyo na magagawa yan kpag nanjan na si bulinggit hehe.
o0pink0oFemalePhilippines2010-03-15 16:00:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
hehe, oo I am waiting on their fight na.
o0pink0oFemalePhilippines2010-03-13 22:37:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
Welcome back!!! That's good to hear :)
o0pink0oFemalePhilippines2010-03-13 22:26:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
Doc Gracey, ganyan din si Zac lakas na sumipa (I watched Maizy's vid). Curious lang ako, since Doc ka sa PH, pagdating ba dito is Doc din ang makukuhang mong job? or you need to take exams pa? Kasi after I took 4 yr course sa Pinas ay nagtake ako ng Caregiving tas may mga classmate akong doctor. Nagtatake sila nun pra daw mabilis makaalis sa Pinas. I just don't know now kung caregiver ba cla pagdating dito or Doc pa din :)

Buti ka pa mejo mahaba haba tulog ni Maizy. Si Zac kasievery 2-3 hrs gising then dede,change ng diaper, play, watch tv then sleep then ganun ulit. Pero I am happy now kasi may sleeping pattern na cya. Sa gabi eh natutulog talaga cya at gigising lang pra change ng diaper at dede then go back to sleep ulit. Mabilis cyang makatulog sa gabi. I guess dim light also helps him to sleep fast.

Eve, lam ko din may bayad ng unti ang mga babies kahit na lap seat lang kasi kailangan daw bayara yung yung fuel surcharge, tax blah! blah! hehe. Oo, natutupi yung tsupon ng NUK sobra ata kasi kung magsuck? pero bihira lang kung tumupi yung tsupon ni Zac (for now) I think kasi di ba meron butas yung tsupon ng NUK pra sa airway. "I think" yun ang reason hehe. Oo lakas pa din dumede ni Zac.
o0pink0oFemalePhilippines2010-03-13 11:22:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
Hello to all mommies at mga buntis,

Brettane, Las Vegas, barenaked - good luck sa pag-ire, push lang kayo ng push. Yung para lang kayong nagpoopoopoo hehe. Sana mabilis ang labor nyo at hindi kayo mahirapan. Don't forget to post pics of your babies at balitaan nyo kami dito ha :)

Sweetpink - laki na ng baby nyo! Kakatuwa naman kasi bilis nya lumaki at ang cute cute ha :)

Doc gracey - haha! kakatuwa yung hair ni Maizy, buti pa cya maraming hair si Zac kalbo pa din lol!

Eve - buti pa kayo makkauwi ng Pinas. May bayad na ba si Jacob sa Airfare? kasing price din ba ng adult fare?

Ady - kami din di gumagamit ng contraceptives. Sana datnan ka na ng makahinga ka na ng maluwag.

Marybeth
- laki na rin ng baby mo saka tumaba :)

Musta na kaya si RR, I hope na ok na cya now.


Busy busihan mode ako lately kaya now lang me nakapagpost hehe. Si Zac naman ay palakas ng palakas kumain saka pabigat na pabigat. I am happy kasi hindi cya mahirap alagaan at napakamasayahin nyang bata. He will turn 3 months old this coming 17th at visit nya sa Pedia this coming 18th.


Posted Image

I caught him sleeping while holding his ears and tongue sticking out LOL!

Posted Image

Sa sobrang katakawan eh hindi thumb suck ginagawa kundi fist suck LOL!


Posted Image

God bless sa lahat! :)


o0pink0oFemalePhilippines2010-03-12 18:40:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
@D and Raquel, la pa po me SSN eh hehehe. Kaya nagfile akong ITIN para masama sa INcome Tax pero until now ala pa. Hay!

@Te Riza, oo nga eh ang bigat nya grabe hehe.
o0pink0oFemalePhilippines2010-03-05 19:24:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

oo pink kasi married filing jointly yong sa amin, isa din yon sa requirement para maka-claim ng EIC.


paano ba yang married filing jointly? kailangan ba permanent resident ka na jan? or nakapagwork na ako? kasi di pa kami nagfile ng AOS saka di nmn ako nagwork so I don't know if pwede kami jan. I haven't tlaked to my hubby pa tungkol sa mga tax tax na yan hehe. Ano nmn yung EIC? :D

o0pink0oFemalePhilippines2010-03-05 17:19:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
Hello mga mommies :D I'll try to catch up sa mga chikahan.

@Rose, I know how you feel. Nakakaexcite tlaga mafeel ang kick ni baby. I felt mine on my 20th week :) Girl pala baby girl nyo. woohhoo! yup! mag-antay muna kayo matapos ang baby shower pra hindi magkadobledoble gamit ni baby hehe.

@DOc Gracey, galing mo naman at breastfeeding ka pa rin.

@Marybeth, bilis ng panahon no? 1 month na pala baby mo :)

@Alien, congrats! :dance: cute ng baby mo pareho sila ng height at halos magkasing bigat sila ni Zac ung pinanganak.

@Eve, San makikita yung vid ni Jacob while talking to daddy? :D

@Lyka, congrats in advance na ke girl or boy! :dance:

@Catie, congrats! :dance:

@Raquel, laki ng nakuha nyo ha ;) Nakasama ba name mo nung nagfile kayo?

@Te Riza, I enjoy reading your blog :)

@RR, pagaling ka na at balitaan mo kami dito.

@D, excited na akong malaman gender ng baby mo ^_^

@Shiela, we gave Zac oatmeal cereal when he was 6 weeks old too. Si Zac kasi lamon ginagawa. Hindi cya nasasatisfy sa milk lang kaya we put 5 tablespoon (almost 2 oz.) of oatmeal cereal sa 10oz milk bottle nya. Ang iniinom nyang milk now is 50 ounces a day ( with cereal) ewan ko nalang kung ilan kapag walang cereal :wacko: Ganun din si Zac nung una, tulog ng tulog but now na almost 3 months old na cya eh at hiyang na sa oatmeal eh hindi na cya tulog ng tulog. Gising cya every 2-3 hours.

Nung una natatakot din akong bigyan cya ng oatmeal cereal kasi sabi sa box ng Nature's Goodness eh pang 4 months old daw yung maglalagay ng cereal sa milk pero I tried pa rin at wala nmn masamang effect kay Zac so I continued na lang. Pero now eh Gerber na yung binibili naming Cereal kasi masmalaki yung kahon hehe.

Zac is 2 months 2 weeks and 2 days old now and he weighs 14lbs. Hindi cya katabaan pero sobrang bigat at mabilkis kang mangangawit sa pagbuhat. Nagrereklamo nga sila dito dahil ang bigat daw LOL! Sobrang daldal ni Zac at iiyak kapag tinigil mong makipag-usap sa kanya. Saka hilig nyang manood ng TV so I always turn on the TV to Dora, Diego, Mickey Mouse, Spongebob etc.


Posted Image


o0pink0oFemalePhilippines2010-03-05 16:02:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
Hello mga amigas! hehe. It's been awhile since I visited this thread. I haven't read any post yet since my last visit. I just came here to share this discount price sa Nursing Cover. I got this email and I want to share it. Magsubscribe din kayo sa site na yan if you want :)

Hi BabiesOnline.com Member,

www.uddercovers.com is running a limited time promotion where you can get 90% off any of their 3 piece gift sets. Each 3 piece gift set includes the Udder Cover™ nursing cover of your choice, a color coordinated Milk Bands™ breastfeeding bracelet and 2 pairs of 5 ply washable 100% cotton breast pads!

If you’re not currently nursing, you probably know someone who is or shortly will be! At only $5, they make great baby shower gifts! We have made an arrangement where you can get any of their 3 piece gift sets (regular price $46) for only $5 + S&H!

The code is "baby".

Go to www.uddercovers.com, click on "Shop Now", scroll down to the gift sets, select the one you would like and you will automatically be repositioned to the center of the page where you can enter in the promo code! Type in baby and it will bring your product total to $5! We are not sure how long this promotion can last. You can use the code more than once - you just have to open a new browser/window to do so.

This promotion gives you 1 gift set for $5 + S&H! This promotion code is valid once per transaction, so you can order as many times as you would like!

Sincerely,
Uddercovers.com


I went to the site and checked if the code and yeah it works! So to all breastfeeding moms and to all who is currently preggy and planning to breastfeed eh try to grab this chance na. Murang mura na to :)

Ok babalik ulit ako later to read ng mga namiss kong chikahan. Posted Image

o0pink0oFemalePhilippines2010-03-02 10:58:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
Eve, nakakatuwa naman at nakakaupo na si Jacob. :D
o0pink0oFemalePhilippines2010-02-17 23:16:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
hello mga mommies

marjo,

Parehong maganda ang huggies and pampers. ang pinagkaiba lang eh masmahal huggies ng unti pero mascute nmn ito kaysa pampers pero masmalambot nmn ang pampers kaysa huggies. If i were you bilhin mo yung diaper na may wetness indicator pra madali mong malaman kung nagpeepee/poopoo na si baby. Last friday ay almost maubusan na kami ng pampers kasi yung order naming pampers eh hindi dumating so nagpunta asawa ko sa meijer pra bumili ng diaper tas binili na lang nmin is yung meijer brand ng diaper kasi nga pra makamura since parating na naman din yun order namin. Ay naku! napakapangit ng diaper na yun. Wag kang bibili kasi napakanipis na tapos ang tigas pa na parang karton LOL! ayun bumili kami ng Parent's choice diapers na Walmart brand at ok naman ito. Wala nga lang wetness indicator pro ok na rin. Bukas dadating na yung pampers namin :)

RR,

Buti naman at pasensyoso na asawa mo :)

Ady,

How's Mae's pooping? regular na ba kahit hindi umiinom ng water?


Posted Image Two months old na si Zac ngayon! Posted Image

Posted Image


o0pink0oFemalePhilippines2010-02-17 18:07:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
Share ko lang nangyari sa akin.

Kaninang umaga ay nanaginip ako. Napanaginipan ko na kumakain ako ng spagetti with meatballs tapos nabilaukan ako dun sa meatball tas hindi ako mkahinga. Pinilit kong makahinga tapos naisip ko na nananaginip lang ako pero hindi ako magising tas hindi rin ako makahinga tapos narinig ko si Zac na umiiyak tas lalo kong pinilit na huminga. Pagkagising ko nakita ko si Zac na nasa dibdib ko tas yung ulo nya eh nakapatong sa leeg ko tas iniikot ikot nya. Yung meatball pla sa panagnip ko eh yung ulo ni Zac sa lalamunan ko LOL! :rofl:


Ady, di pa rin pala magaling si Mae. Wawa naman. Magana pa rin ba cya kumain kahit may sakit? Nung dinala mo ba cya sa Doc eh may ubo't sipon na cya?
o0pink0oFemalePhilippines2010-02-16 16:03:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

he-he...ganun na nga :D gave me a box of chocolates today when we went to have lunch with him at work. maizy got a furry stuffed heart, and alec got a smaller box of choco :blush: will join him later for supper (hanggang 11pm sya e).

took maizy to church today, as usual. for some reason mabait sya pag nasa church, walang iyak-iyak. but pag-alis namin, ayan na :blink:


Sweet! :D Kita mo na! Sabi sa'yo may pasurprise epek lang yan lol! dapat pala tambayan nyo na lang ang simbahan para lagi cya mabait hehe :D Oo nga pala, hindi na tumuloy asawa ko sa work today :D Mabuti naman kasi di maganda weather ngayon gabi.

Asan na kaya ang mga tao dito ,., hmmm., busy sa Valentine's Day :D :luv:

o0pink0oFemalePhilippines2010-02-14 18:24:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

lol...daldal a :) si maizy, mahinhin "mag-salita" pero pag sinumpong ng iyak, omg!

hubby works weekends so that a v-day "date" was really doomed from the start (melodramatic?). tampo ako sa kanya kasi last night pag-uwi nya ni wala man lang kiss hanggang sa matulog na sya (he had to go to bed early kasi nga may work thenext day). pagkapasok sa pinto, "hi" lang tapos deretso nang naligo tapos pagbaba e deretso sa laptop nya :crying: hmph! tampo talaga ako! :angry:

anyway, happy v-day to all!


Ikaw talaga, baka nmn i-su-surprise ka nya ng kasorpre-sorpresang regalo at pagbati later tonight :D don't worry di pa nmn tapos and day hehe.

Oo madaldal talaga yan! gustong gustong kinakausap tapos sasagot din cya lol! puyat ako now kasi kanina pang 5AM gising si Zac til now (12:34PM na). walang ginawa kundi kain, peepee, daldal, kain, peepee, daldal :wacko:

o0pink0oFemalePhilippines2010-02-14 12:36:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
Doc Gracey, I want to buy baby sling too. Eto yung gusto kong bilhin Mejo may kamahalan cya compare sa ibang sling pero feeling ko kasi secured na secured si baby kasi nakawrap cyang mabuti compare sa ibang sling na manipis lang yung tela na nakapalibot sa balikat ng mommy. Meron kaming 2 baby carrier na nabili namin last year sa rummage sale :D Mura lang bili namin tig $3 at malilinis at maayos pa. Tig isa kami ng asawa ko para di kami mahihirapan mag-adjust kung gaani kahaba parati. Saka mura lang nmn so ok lang kahit 2 bilhin LOL!

Buti ka pa nagagamit mong madalas yung sa'yo. Sa akin di mashado eh.

Shile, mag 2 months pa lang si Zac this coming 17th. He started wearing 0-3 mos. clothes nung 1 month pa lang cya pero now eh tinago ko na talga yun gmga NB clothes nya at puro 0-3 na gamit nya.

Hay naku mga sistaz, aga agang tumawag yung hospital at pinapasok ang asawa ko today! Nasira tuloy and Vday ko ng kaaga aga hehe. Eto si Zac na lang ang ka Valentino ko :D

dcSGxeH9Y9o

:luv: :dance: HAPPY VALENTINE AND KUNG HEI FAT CHOI!!! :dance: :luv:


o0pink0oFemalePhilippines2010-02-14 08:54:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

si maizy kasi gusto nya upright sya lagi. we set the bumbo up on the kitchen table where we eat para nakikita nya kami. she doesn't stay long kasi gusto nya nakadikit sa akin but at least she gets to sit for awhile.

yung bounce toy, the closest we got was an exersaucer (which we got free on craigslist --- no toys on this one pero she can use her own toys on it. tsaka FREE :D ). On a trip to the goodwill outlet, we found a nice clean johnny jumper (the kind you hang from a doorway) for 79 cents a pound :) Of course, di pa magamit kasi she can't hold her back yet. yung bumbo kasi supports her body so that she can sit. see this vid:

2fqoOLmsVIg


Cute ni Maizy! ^_^

Si Zac kasi hindi nya pa mashado nahohold yung ulo nya. He likes upright position too, gustong gusto nya na may unan. Lately ko lang cya pinahihiga sa boppy pillow nya and he likes laying there.

Share ko lang some pics of him :luv:

Zac seriously watching TV

Posted Image

Natutuwa sa spongebob

Posted Image

close up pic

Posted Image

nakatulog sa panonood

Posted Image

Napakahilig nyang manood ng TV

o0pink0oFemalePhilippines2010-02-13 16:05:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

http://www.brightsta...ounce-baby.aspx


Nakakita rin ako ng ganyan sa Once Upon A Child worth $35-$40. Pinag-iisipan ko talaga kung bibili ba ng bumbo seat or ganyan na lang eh. Ewan ko, bahala na.
o0pink0oFemalePhilippines2010-02-12 22:59:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

try mo rin craigslist...is cheaper usually than once upon a child


mura nmn ng kuha nyo. tumingin me craigslist nasa 20 - $30 ang with tray dito sa area namin. hmm
.
o0pink0oFemalePhilippines2010-02-12 22:20:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

Sabi 3 months, when baby has good control of his head. We tried Maizy in one already kasi even at 6 weeks, my brother says that she has very good control of her head na :) We got one on craigslist for just $15, including the tray :) :) :) It retails brand new for nearly $40 and another $10 for the tray.


Ahh ganun ba. Kasi si Zac gusto umupo kahit once lang sa loob ng isang araw. That gave me an idea of buying bumpo seat. Siguro I'll buy na lang sa Once Upon A Child kapag maganda na panahon. Thanks! :)
o0pink0oFemalePhilippines2010-02-12 20:56:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
May tanong pala ako, when ba dapat ilagay si baby sa Bumpo seat?
o0pink0oFemalePhilippines2010-02-12 17:59:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

Mga mommies yung baby niyo ba minsan fussy siya or yun bang kahit ilang ounces na ng gatas ang binigay mo eh parang hindi pa rin nabubusog, tapos iiyak at hihingi nanaman. Ganun yung baby ko today. Hindi ko alam kung may masakit ba sa kanya or anu. Regular naman ang temperature niya, its between 98-99 naman pero parang mainit siya sa pakiramdam ko..Hay I am getting worried na. Di ko alam kung paano siya patahanin. Tapos sa sobrang kabusugan niya eh sinusuka na niya yung gatas tapos hihingi nanaman ulit. Hay nakakaloka ito. Ang hirap edetermine kung anu ang gusto niya. Any insights on this mga mommies? Tsaka napansin ko rin na parang nachochoke siya tapos sabay habol sa hininga, normal ba yun or ganun lang tlaga kung sobrang busog na siya pero bat ayaw pa rin paawat. As of 7pm nakaka 22oz na. 7pm pa lang yan ha at may 5 hours pa to end the day..Hay normal ba ang mga ito. Tapos napapansin ko na napaka uncomfy niya.. :help: :help: :help: :help:


te ady, ganyang ganyan si Zac. yung parang may wheezing sound pa nga eh. kala ko eh may hika na o ano pero feeling ko katakawan lang yan LOL! para pa lang babaeng versio ni Zac si Mae sa katakawan lol! lam nyo ba na no joke to ha. ngayong araw na to eh naka 60 oz na cya, araw araw eh umi-increase dami ng inom nya. natutuwa ako dahil magana cya pero hindi natutuwa bulsa ko LOL! macyado ng milkaholic anako, nilalasing nya sarili nya sa gatas. pag inawat naman eh iiyak. pilit kong binibigay pacifier pero ayaw talga. tas nakakatawa yung mukha nya kapag pacifier nasa bibig nya kasi sumisimangot. alam nya kasi na walang gatas na lumalabas lol!

ganyan ganyang si Zac te ady. i can't wait na nga on his next pedia vist pra matanong ko to at malaman ko kung ano ba yun, may hika ba dahil may wheezing sound. si mae ba may wheezing sound din? kasi naggaganon lang nmn si Zac kapag nasasamid so feeling ko normal lang. pero the way how you describe Mae eh ganun din tlaga si Zac. Matakaw lang yata tlga baby natin? ewan ko ba hehe.
o0pink0oFemalePhilippines2010-02-09 22:48:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

Hi All,

I'm still in pain, physically and emotionally. I loss our babies (naniniwala kami na kambal ang ipinagbuntis ko) right when I passed two pieces (but connected to each other) thumb size blood clots on Saturday night. After my husband and I looked at it he then told me that I miscarried. Yesterday, we went to the doctor and even though we already knew (but we still hoped) ang sakit parin when the doctor told us that they can see no babies in the ultrasound (vaginal). There were no babies at all. Ang sakit...tapos during ultrasound, we found out that I had an ectopic pregnancy (also known as tubal pregnancy or an extrauterine pregnancy) which the reason why I was bleeding with cramps and lower back pain. We're so sad that we loss our babies but we are also thankful to God that I'm already safe now. Masakit...at nakakalungkot na nawala ang babies namin pero nagpapasalamat narin kami sa Diyos na kusa silang natanggal. Kasi kung hindi, kahapon din mismo tuturukan agad ako ng gamot to end my pregnancy which would be very difficult for us to let the doctor kill our babies.

Binigyan din ako ng OB ko ng Methotrexate shots (on my hips) to stop the tissue cells from growing. Kinuhanan din ako ng blood to test my hCG level and pap smear to determine infection and abnormality on my cervix and thank God the results were fine except my hCG level was high (6,000).
Pero, they're still gonna do some more lab tests on me bcoz the doctor too found out that my fallopian tube is enlarge and this one makes us really feel nervous as hell as we know this is more complicated.

Masakit ang tusok ng mga karayom sa katawan ko....pero mas masakit sa dibdib na nawala ang mga babies namin.

RR, thank you so much for asking me if my baby and I were ok....our babies are gone. Pero happy na rin kami coz we got to see them.


I am sorry. Sobrang nakakalungkot naman :( Pero isipin na lang natin na at least kung kukunin cya ni Lord eh at least eh maaga cya nakuha kasi masmasakit kung nahawakan mo na't lahat si baby saka pa mawawala :( pasalamat na rin tayo at nadiscover na yung another problem mo sa fallopian tube at least magagawan na ng paraan.

I am sorry again :( (F)
o0pink0oFemalePhilippines2010-02-09 20:23:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

hello wer kasa indiana?? hehehe.. read ko post mo doon sa other forum... :-)


Dito kami sa Elwood,IN. Bale suburb cya ng Indianapolis. How about you? tagal na natin naguusap dito yun pala halos magkalapit lang tayo :D

Lyka, Congratulations!! Ganda nmn ng name. Lam mo ba na dapat Chloe din naman ng baby namin kung girl cya hehe pero letter C sa amin hindi K hehe.
o0pink0oFemalePhilippines2010-02-09 18:24:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
Speaking of pagdadalaga, dalaga na naman ako today. Kaninang madaling araw nagstart pero expected ko na naman yun kasi nafeel ko last week na malapit na naman ako ng datnan. So bale almost two months ako bago nagkaroon ulit. Sana mawalan na ito kasi nalalapit na ang Valentine's Day :D hehe *wink*
o0pink0oFemalePhilippines2010-02-09 15:12:00
PhilippinesAll pregnant Mommies

Iba iba talaga rules and regulations nila pink. Nafile na yung sa akin, tapos tomorrow ipafile ko din yung sa anak namin pero magiging pending pa rin until masubmit namin yung social security card niya. Hay!!BC pa lang natatanggap ko sa mail. Sana maapprove kami kahit dito nalang as one day emergency..LOL


Hay sa wakas bumalik na VJ. Nagloloko VJ kanina kaya nadouble yung post ko. Siguro nga iba iba ang rules nila. Si Zac nakamedicaid na mga two weeks ago pa. Tinawag ko lang sa kanila tas pinasubmit sa akin yung photocopy ng Confirmation of Birth sa hospital kasi ala pang Birth Cert at SSN cya that time. Nung nareceive ko yung SSN agad kong tinawag sa kanila yun. Tas n ung nakuha na namin yung Birth Cert nya eh photocopy agad sabay mail. Tas nareceive ko na Medicaid card nya after 5 days ata na nareceive nila yung BC ng anak ko. Nakafull coverage cya ngayon so Medicaid nagbayad ng medical bills nya nung pinanganak cya pati yung mga pedia appointments nya. Sana mareceive nyo na rin yung kay Mae, feeling ko lahat nmn "ata" ng babies eh mafufull coverage eh. Kala ko nga hihingan na naman kami ng income statement bago maapprove si Zac, buti naman at hindi hehe.
o0pink0oFemalePhilippines2010-02-08 21:40:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
@Brettane, si Zac din ganyan, mahira ng palitan kasi tumataob cya. Ang teknik na ginagawa ko is kapag pinapalitan ko cya binibigyan ko cya ng any toy para may paglaruan cya at kalikutin habang nakahiga at para din mapalitan ko yung dirty diaper nya. Epektib naman yun kay Zac. Try nyo baka umepekto din sa baby ninyo hehe.

Sa burping, lagi kong pinapaburp si Zac dati or else maglulungad cya. Yung tipong parang susuka ng gatas pero di naman nagsusuka. Nung 7 months old cya eh kusa na cyang nagbuburp mag-isa kaya mejo nabawasan na ang trabaho ko hehehe.

@RR, oo ganun nga si Zac. One time, nung nanonood ako ng Miss Universe, sigaw ako ng sigaw sa tuwa at nagtatatalon ako nung nakapasok si Ms. Philippines sa Top 10 tas umiyak si Zac lol! Nagtaka ako kung ba't cya umiyak tas nung nakapasok cya sa top 5, sigaw na naman ako tapos umiyak uli cya lol! Nung natapos na yung show eh dun ko lang narealize na kaya pala cya umiiyak eh natatakot sa sigaw ko lol! :bonk:

@Eve, si Zac din hindi ko tinatakot sa boogieman kasi ayoko din ng may kinakatakutan cya (as much as possible).

@Someday, nakakatawa nmn ang baby mo kasi di maintindihan ang reaksyon sa vacuum hehe.

Ang problema ko ngayon kay Zac is yung "panganggat". Kinakagat yung balikat ko or yung binti ko. Minsan, kinagat nya ako tas nagkunwakunwarian akong iyak tapos umiyak din cya LOL! tapos niyakap nya ako tas tumitingin sa akin na parang nagsosorry at chinicheck kung ok lang ako ^_^ Kinabukasan, kinagat pa rin ako :cry: May lahi yata talaga tong si Zac na aso hehehe.
o0pink0oFemalePhilippines2010-11-05 19:43:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
@Brettane, si Zac darecho na front facing yung carseat nya from infant car seat. Wala naman cyang reklamo dun actually masgusto nya pa yung front facing kasi masmadami cyang nakikita. Wala naman sa aming sinabi yung pedia ni Zac about sa front facing na car seat nya. Kasi di ba may mga weight din for babies na nakalagay dun sa mga car seat kung pwede na ang baby. I "think" wala talaga sa age yan. Kasi iba iba ang babies. May mga babies na malaki sa age nila, may ma babies na maliit sa age nila at may mga babies na sakto lang. Si Zac kasi mejo malaki sa age nya hehe kaya darecho front facing na binili namin. Sa akin lang eh kung sa tingin mo na kaya na ng baby nyo at komportable naman cya sa car seat nya kesyo front or rear eh ok na yun.

Si Zac nung mga bandang 6 or 7 months old eh minsan nagpoo ng sobrang dami (pasintabi po hehe) tas ang ginawa ko darecho cya sa bath tub at dun ko cya sinabon at hinugasan ng water. Takot cya ng sobra at todo kapit sa akin. Nahirapan din ako nun kasi madulas at kahit cya eh takot. Nung nagpunta kami sa FL at pinaliguan ko cya sa tub ng hotel eh takot cya nung una kasi wala yung "tub mat" ba tawag dun? yung nilalagay sa bath tub pra hindi ka madulas. Sa tingin ko eh naninibago lang si Letcher sa environment nya at baka masanay din cya na pansamantalang wala yung tub nya.

@RR, si Zac hindi takot sa dilim. Nasanay na kasi cya sa room nya na dim lang yung light. Yung lamp shade lang ang naka-on. Minsan nga magcrawl pa yan papunta sa hallway kahit off yung lights. Ang takot cya ay sa loud noise like nung hand dryer sa mga restrooms, thunder saka pagnag-sneeze yung lolo nya LOL! Ayaw din nya ng nagsisigawan, umiiyak cya. Yung sis-in-law saka yung ex nya eh nag-away minsan dito sa house nmin tas si Zac todo iyak. Ayun, pinalabas namin cla.

@Evelyn, kakatuwa naman si Jacob. Si Zac naman eh nag-make face cya nung first time nyang narining yung printer namin lol!
o0pink0oFemalePhilippines2010-11-03 13:18:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
@RR, Hay naku, naiinis ako sa asawa ko kapag sinasabihan din ako ng ganyan na na-spoiled ko daw si Zac kaya umiiyak pagwala sa tabi ko. Feeling ko hindi naman spoiled yun eh, separation anxiety lang. Kasi syempre "normally" masclose ang mga babies sa mother nila dahil ang nanay ang laging nag-aalaga at laging na sa tabi.

Si Zac naman hindi iiyak for few minutes as long as napapaligiran cya ng mga toys OR as long as hindi cya nag-iisa. Kapag wala ako, hindi cya iiyak as long as he is with his dad, grandpa or cousins. Ang ayoko lang is kapag nagluluto ako sa kusina at gusto nyang na sa tabi ko kasi very dangerous yun. So ang ginagawa ko na lang is nilalagay ko cya sa highchair nya para nakikita nya pa rin ako pero and at least hindi cya nakaharang sa dinadaan ko at mejo malayo sa stove.

Kapag naman na sa labas ok lang sa kanya kahit sino sa amin ang magtulak ng stroller nya pero ang pinakaayaw ni Zac is yung kapag papalitan ko yung dirty diaper nya sa public restrooms. Kpag nilalagay ko cya sa changing table eh mahahalata mo na hindi cya komportable tapos iiyak cya kapag malayo lang ako sa kanya ng kahit konting distansya. Itatapon ko lang nmn yung dirty diaper sa trash can eh lol!

Hay ang mga babies talaga nakakatuwa na mahirap alagaan lol!
o0pink0oFemalePhilippines2010-10-30 10:14:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
@Brijo, your baby is growing so fast. He is adorable :)

@RR, Zac cries too whenever I leave him for few minutes. I can leave him in his crib surrounded by his toys for 15-20 mins without crying but then will cry when he gets bored. Sometimes I put him in his walker so he could follow me around the house, that way, it would be much easier for me to wash the dishes without hearing him crying. He won't cry if I sneak out the house as long as he will be with one of my family member. What so funny is, he cries whenever he sees somebody leaving the house, specially if his cousins will go back home na. Kasi he won't have any playmates again. He also cries whenever our visitors will leave LOL! Minsan nga iiyak din cya kapag pupunta ka ng CR tas you will close the CR door infront of him lol! Kala nya kung saan ka na pupunta eh mag-he-hello ka lang naman sa indoro LOL.

@Someday
, bilis nya lumaki ha :D
o0pink0oFemalePhilippines2010-10-29 15:03:00
PhilippinesAll pregnant Mommies
Oh my! Kamusta ka na Rachel? It's been awhile huh? Bihira ka na yat dito sa VJ? at ang laki ng ng baby mo :) Tisoy ha ;) Oo, buti naman at nalabas ni AJ yung cookie kung hindi eh baka kung napaano pa cya. Ako din natakot tlaga ng sobra nung nakita kong wala na yung candy ng lollipop. Di naman cya nachoke, acually nakangiti pa sa akin nung nahuli ko cya lol! Sinabi ko sa asawa ko nangyari, kala ko magagalit, ay naku! natawa pa! :bonk: Bata daw kasi mahilig sa candy. Pero of course sinabihan lang ako na ingat daw mabuti next time.
o0pink0oFemalePhilippines2010-10-13 12:14:00